top of page

Meet Juan dela Cruz: The man behind "Presidentiables.Ph"

Sino ang Juan dela Cruz na nasa likod ng 'Presidentiables.Ph' na ito?

 

Isa siyang beteranong mamamahayag at natutong kumatha ng lamanin ng social media at nagnanais ng tunay na pagbabago sa Pilipinas. Ang hangaring ito ay bunga ng kanyang kabiguang makita sa mga naging pinuno na ng bansa ang pinakatumpak na  pamamalakad tungo sa talagang kaunlaran at kaayusan.

 

Dalangin ni Juan dela Cruz na magkaroon ng totoong matapat na lingkod-bayan para lutasin ang problema ng bulok na burukrasyang pinagsasamantalahan ng mga mandarambong. Dito nag-uugat ang talamak na kawalang-hanapbuhay, paglala ng krimen, pag-aaklas, kakapusan ng enerhiya, pagiging inutil ng pampublikong transportasyon, pagkawasak ng kalikasan at kawalang-galang sa batas.

 

Ganito ang samu't-saring imahe ng walang kamatayang pagpaparusa sa bayan na paikot-ikot na lamang.

 

Minamarapat ng 'Presidentiables.Ph' na gabayan ang mga botante at dito nila mahahanap ang walang pagkiling na pananaw ukol sa mga nagnanais lumahok sa pampanguluhang halalan sa 2016. Sapagkat walang sinumang mayaman, maimpluwensya at makapangyarihang tao o institusyon ang kasama rito ni Juan dela Cruz, malayang mabubusisi ng taumbayan kung sino nga ba sa presidentiables ang dapat bigyan ng pagkakataon at kung sino-sino ang mga dapat nang itapon!

 

Mga kababayan, kayo ang humusga!

 

 

English Translation

 

Juan dela Cruz is a veteran broadcaster and social media content developer who's sick and tired of the ways leaders in the Philippines have been behaving and leading the country.

 

Juan dela Cruz wants to see honest to goodness political will in implementing pragmatic solutions to the country's abused bureaucracy, corruption, unemployment, crime, rebellion, inefficient and costly power industry, inefficient public transportation system, unlawfulness, environmental degradation and just about all systemic problems that have left this country in this vicious cycle. 

 

Presidentiables.Ph seeks to analyse the wide field of presidential contenders so that voters may have an alternative venue, devoid of big business interest, to separate the chaff from the grain.

 

Enjoy, Go Out and Vote Wisely!

Copyright 2015 Presidentiables.Ph

    Like what you read? Let us know what you think.   

Copyright 2015 "Presidentiable.Ph". 

bottom of page