Erap atras kay Poe?
- Aug 20, 2015
- 1 min read

Sa paggunita sa kaarawan ng namayapang best friend niyang si Fernando Poe Jr., sinabi ni Manila Mayor Erap Estrada ang bitin na pangungusap ukol sa anak ni FPJ na si Sen. Grace Poe.
Hirit ni Yorme, “Si Grace ang susunod na….” sabay ngiti at pumikit.
Anlaki raw ng utang na loob ni Erap kay Da King mula sa pagiging mayor niya sa San Juan hanggang maging pangulo siya ng bansa.
Aatras ba si Erap para kay Grace?

Comments