Hugas muna s'ya ng putik sa mukha
- Aug 29, 2015
- 1 min read

Sinabi ni Atty. Rico Quicho sa naninira kay VP Jojo Binay na si Arthur Cruto, ang officer-in-charge ng Makati Action Center (MAC), na bago siya mag-ingay, sagutin muna niya ang unliquidated na 2 milyong piso na binale niya.
Paano raw paniniwalaan ang testigo laban kay Binay kung may kaso kasi ito sa Makati City Hall?
Sabi ni Binay, ang senior citizens program niya ay pagtanaw ng utang na loob at isang inspirasyon dahil inampon siya ng kanyang tiyuhin noong maulila sa pagkabata. Wala raw katotohanan na ginamit ang programa para pagkakitaan ang mga senior citizens.
Narito ang detalye: http://newsinfo.inquirer.net/717043/binay-camp-discredits-2-witnesses-in-hearing

Comments