LP Survey, kasinungalingan - Binay
- Sep 5, 2015
- 1 min read

Binalewala ni VP Jojo Binay ang inilabas ng Liberal Party na resulta ng kanilang sariling presidential survey. Nakakuha ng 53 percent si Interior secretary Mar Roxas, habang si VP Binay ay mayroong 37 percent.
Bintang ni Binay, ginawa lamang ito ng LP upang palakasin ang kanilang loob.
"Ang nagsisinungaling lagi, naniniwala na sila sa kasinungalingan nila,” pahayag ng bise presidente.
Inamin ni Binay na nagsagawa rin ang United Nationalist Alliance ng sariling survey.
"Meron kami pero di namin sasabihin. Di naman kami gumagawa ng ganun na di kapani-paniwala.”

Comments