Sen. Trillanes, no. 1 na mambabatas
- Sep 5, 2015
- 1 min read

Si Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV lumilitaw na nangungunang mambabatas sa Senado, base sa dami ng mga panukalang inisponsor at naisabatas na.
Ilan sa akda ni Trillanes ay ang AFP Modernization Law; Pagtaas ng Subsistence Allowance ng mga Uniformed Personnel; Salary Standardization Law 3; Pagtaas ng Burial Assistance ng mga Veterans; Archipelagic Baselines Law; Universal Healthcare Law; Agarang pagbibigay ng benepisyo ng mga retiradong kawani ng gobyerno; PAG-IBIG Fund Law; Magna Carta para sa mga PWD; mas pinalawak na Senior Citizens Act at Anti-Bullying Act.
Si Trillanes ay may kabuuang 1,077 panukala na naihain, 52 rito ay batas na.

Comments