VP Binay, nasisilip ang bagong problema sa trapik
- Sep 5, 2015
- 1 min read

Ipinahayag ni VP Jojo Binay sa round table discussion sa TV5 na higit na magkakaroon ng problema sa trapiko ngayong gusto ni Pangulong Noynoy Aquino na ipakalat na lang ang Philippine National Police Highway Patrol Group (HPG) upang mangasiwa sa traffic sa Metro Manila, lalo na sa buhol-buhol na sasakyan sa EDSA.
Ayon kay VP Binay, “hindi naman overnight solution ito. Maraming adjustment uli ang gagawin ng HPG, mas maraming problema pa ang haharapin sa trapiko.”

Comments