top of page

Federalismo a la Rodrigo

  • Sep 11, 2015
  • 1 min read

Sa maikling paliwanag ay sinabi ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa "Happy Hour" ng News5 na ang federalismo ay may pangunahing dulot na mabuti sa usapin ng economics, infrastructure, health, education, crime prevention and job creation.

Para po sa lubos na ikauunawa ng ating mga kababayan, ang anumang kinikita ng isang munisipyo ay sila mismo ang hahawak at mamamahala kung paano ito gagamitin sa kanilang lugar sa ilalim ng Federalism.

Sa demokrasya natin ngayon, kinukuha muna ng Gobyerno-Sentral (Palasyo) ang lahat ng kita ng mga munisipyo at saka lang ibabalik sa kanila batay sa request ng bawat munisipalidad sa kailangan nilang budget. Dito yata bumabagal ang proseso (at asenso) kasi puwedeng hindi aprubahan ang request o pwedeng i-delay depende sa pasya ng administrasyon o pangulo.

Kung kawatan ang mayor ng isang bayan o lunsod, wala siyang maituturong Malacanang Palace para sisihin. Madali siyang mabibisto.

Suma-tutal: Kanya-kanyang teritoryo, kanya-kanyang pag-aayos ng kanilang mga buhay.

Ang bagong tungkulin ng mamamayan, sila na ang pinaka-ombudsman ng local nilang pamahalaan.

Baka ito ang hindi naramdaman ni Digong sa kanyang pag-iikot. Ang kahandaan ng Pinoy para maging tunay na vigilante. Photo from TV5 Manila

 
 
 

Comments


Who's Behind The Blog
Recommanded Links
Search By Tags
Follow "Presidentiables.Ph"
  • Facebook Basic Black
  • Twitter Basic Black
  • Google+ Basic Black

Copyright 2015 Presidentiables.Ph

    Like what you read? Let us know what you think.   

Copyright 2015 "Presidentiable.Ph". 

bottom of page