'Tuwid na Daan,' mababalaho raw kay Grace Poe
- Sep 17, 2015
- 1 min read

Kahit lumayo si Sen. Grace Poe kay Sec. Mar Roxas at tatakbo rin sa pagkapangulo, buong giting na sinabi ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda na magwawagi pa rin si Mar at mababalaho ang takbo ng senadora.
Naniniwala raw kasi ang taumbayan na may tunay na benepisyo sa kanila mula sa ‘Matuwid na Daan’ ni PNoy na ibinilin kay Mar na ipagpatuloy.

Comments