Martsa ng pagsulong, inawat ni Digong
- Sep 23, 2015
- 1 min read

Nanawagan si Davao City Mayor Rodrigo "Rody" Duterte sa nagbuo ng 'The People's Call for the People's President’ na gaganapin sa September 26, 2016, sa Burnham Gardens sa tapat ng Quirino Grandstand, na huwag nila itong ituloy.
“Pakisabi lang sa lahat huwag nilang gawin sana iyan kasi it would complicate matters. Baka sabihin ng tao atras-abante ako,” sabi ng alkalde.
Hindi raw talaga siya tatakbo dahil ang tunay na problema ay ayaw ng pamilya niya at isa pa’y wala siyang pera dahil hindi naman siya nanghihingi.

Comments