Tunay na Pinay o hilaw?
- Sep 23, 2015
- 1 min read

Idiniin ni Associate Justice ng Supreme Court na si Teresita de Castro na patunayan ng mga nagtatanggol kay Sen. Grace Poe na ang senadora ay anak ng isang Pilipino.
Wala raw isyu sa pagkakatagpo sa sanggol noon na si Mary Grace at pag-ampon sa kanya ng mag-asawang Fernando Poe Jr. at Susan Roces. Pero ano ang katibayan na ito ay natural born Filipino citizen na ang ama o ina ay tunay na Pilipino?
Sa saligang-batas natin, hindi pinapayagan ang hindi natural born citizen na tumakbo sa pagka-Pangulo.

Comments