Sen. Poe, dinidiskaril ng pinsang si Sheryl
- Sep 24, 2015
- 1 min read

Muling iginiit ng aktres na si Sheryl Cruz ang unang pahayag na hindi pa panahon para tumakbo bilang pangulo ng bansa ang kanyang pinsan na si Sen. Grace Poe.
Hindi raw siya binayaran ng sinuman para madiskaril ang kandidatura ang sinasabing kapatid niya sa ina, batay sa mga tsismis.
"Kung mas marunong nga na senator na si Serge Osmena who's worked closely with my cousin, ang sinabi nga niya, she would make a fine president. Just not right now. She would be a more effective president come 2022 and not 2016," dagdag pa ni Sheryl na anak ng dating aktres na si Rosemarie Sonora.
Ang dati pang bulung-bulungan ay si Rosemarie ang tunay na ina ni Sen. Grace.

Comments