Trillanes, puputak ng isyung puputok kay Binay
- Sep 30, 2015
- 1 min read

Mas marami pang papuputukin si Sen. Sonny Trillanes na isyu ng diumano’y corruption ni VP Jojo Binay. Isa na rito ang bintang na bilyones daw ang nakamal na salapi sa Makati gamit ang mga dummy.
Ayon sa Senador, ang libel case laban sa kanya ni suspended Makati mayor Junjun Binay ay isang panggigipit lamang. Pero sangga ni Atty. Claro Certeza na abogado ng mga Binay, dapat itong harapin ni Trillanes at hindi nito puwedeng ma-invoke ang parliamentary immunity dahil sa media nagsalita ang senador sa halip na sa session sa Senado.

Comments