Sen. Poe: Pagiging 'pulot' boto ang mahahakot?
- Oct 1, 2015
- 1 min read

Tumanggi si Sen. Grace Poe na dumaan pa sa DNA test para lamang patunayang hindi talaga siya anak ng namayapang si Pres. Ferdinand Marcos.
Sinabi naman ni Sen. Ralph Recto na kapag binuhay nang husto ang pagiging ampon ng senadora, baka makuha nito ang simpatya ng taumbayan at ang buong Pilipinas na ang umampon kay Poe. Tinutukoy ang paghakot ng boto sa balota.
Inihayag din ng senadora na nagmaka-awa na siya sa taong nakakita raw sa kanya sa simbahan ng Jaro, Iloilo noong sanggol pa siya. Pero talaga raw walang alam ang taong iyon kung sino ang kanyang tunay na mga magulang.

Comments