top of page

'Pag naluto ang Bi-Hon, Bin-Go na ba ang 'UNA'?

  • Oct 5, 2015
  • 1 min read

Pang-apat sa choices ni VP Jojo Binay si Sen. Gringo Honasan.

Una sa hanay ng choices si Sen. Grace Poe na inaanak ni Mayor Erap Estrada na kasangga ni Binay. Pero gusto ng mga nasa likod ni Poe ay ito ang maging pangulo.

Ikalawa sa pinagpipilian ay si Davao City Mayor Rod Duterte pero umayaw na ito at susuportahan si Sen. Alan Cayetano sa VP race.

Ikatlo si Sen. Bongbong Marcos pero alangan ang kapanalig ni Binay dahil nilabanan niya ang diktaduryang Marcos noong Martial Law. May nagsasabi ring dapat kalaban niya si Honasan dahil sa kayraming coup de ‘tat nito laban kay Cory Aquino na ipinagtanggol ni Binay.

Pero malapit na raw makuha ni Binay ang loob ni Gringo.

Kapag naluto kaya ang Bi-Hon (Binay at Honasan) ay BinGo (Binay-Gringo) na ang UNA.

 
 
 

Comments


Who's Behind The Blog
Recommanded Links
Search By Tags
Follow "Presidentiables.Ph"
  • Facebook Basic Black
  • Twitter Basic Black
  • Google+ Basic Black

Copyright 2015 Presidentiables.Ph

    Like what you read? Let us know what you think.   

Copyright 2015 "Presidentiable.Ph". 

bottom of page