Erap, kumikiling na sa kandidatura ng inaanak?
- Oct 7, 2015
- 1 min read

Nabigyan ng kulay ang pag-endorso ni Manila Mayor Erap Estrada sa kandidatura bilang senador ni Neri Colmenares na bitbit ng Makabayan Bloc.
Dahil nasa ilalim din si Colmenares ng Poe-Chi tandem, lalong umingay ang isyung lihim na sumusuporta na si Erap sa grupong nagsusulong sa kandidatura ng inaanak niyang senadora.
Pero mismong si Satur Ocampo, dating Bayan Muna representative, ang nagpahayag na walang malalim na ugnayan ang kanilang grupo sa ninong ni Sen. Grace.
“Wala kaming formal alliance kay Erap. Inimbita siya para magsalita dahil host mayor ng Maynila, at pinayagan kaming gamiting venue ang San Andres covered court nang libre. Pero malaking bagay ang kanyang pag-endorso kay Neri para senador,” sabi ni Satur.
ULAT NI Rose Novenario - HATAWTABLOID.COM

Comments