Estrada-Marcos, tambalang pinatutunog
- Oct 7, 2015
- 1 min read

Binisita ni Sen. Bongbong Marcos si Manila Mayor Erap Estrada at nabuo ang usap-usapang uubra ang kanilang tandem.
Bagamat re-election ang target ni Erap, mapipilitan daw siyang tumakbo uli sa ikatlong pagkakataon at si Bongbong ang running mate kung madi-disqualify si Sen. Grace Poe sa isyu ng citizenship at kung makukulong si VP Jojo Binay kapag napatunayan ang mga isyu ng corruption.
Ayaw muna nilang ibulgar kung ano ang napagkasunduan nila ni Bongbong.

Comments