Sa kandidatura ni Sen. Greg, kabado ang mga kapanalig
- Oct 7, 2015
- 1 min read

Inihayag ni Sen. Tito Sotto na kung si Sen. Gringo Honasan lamang ang magpapasya ay tiyak na sasabak ito sa alok ng UNA na maging katambal ni VP Jojo Binay sa 2016 elections.
Pero mahalaga ang boses ng kanyang pamilya at hindi raw tumitigil sa ka-iiyak ang isang mahal sa buhay ng Bicolanong senador dahil ayaw nitong pumalaot si Gringo sa mas magulong sitwasyon sa pulitika.
Maging ang tagapayo ni Gringo na si Sen. Juan Ponce-Enrile ay nagpa-alala kay Greg na mag-isip itong mabuti sa papasuking sitwasyon.

Comments