top of page

Bawat hataw kay Binay, sa demokrasya ang latay!

  • Oct 12, 2015
  • 1 min read

Isinulat ni Bobby Tiglao, dating political prisoner ni dating pangulong Ferdinand Marcos na masahol pa sa Martial Law ang sabwatang PNoy-Mar na hinahampas si VP Jojo Binay pero ang demokrasya ang nagkakalatay.

Ginagamit na raw ng dalawa si Ombudsman Conchita Carpio-Morales na tirador para ibagsak ang kandidatura ni Binay at ang bala ay ang upahang nagrereklamo laban sa ikalawang pangulo.

Gutom sa kapangyarihan, lango sa kabaliwan ang dalawa kaya binubulag nila ang publiko para mahilo rin kung sino ang dapat piliing susunod na mamumuno.

Kawawang Binay, sabi ni Tiglao, nilabanan niya ang diktadurya para makamit ang demokrasya at ngayon ay hinahamon na naman siya ng bagong mga kalaban ng demokrasya.

Pinaniwala na raw ang mga tao sa loob ng isang taong imbestigasyon sa senado ng mga bayarang tuta ni Aquino para itatak na si Binay ay corrupt.

 
 
 

Comments


Who's Behind The Blog
Recommanded Links
Search By Tags
Follow "Presidentiables.Ph"
  • Facebook Basic Black
  • Twitter Basic Black
  • Google+ Basic Black

Copyright 2015 Presidentiables.Ph

    Like what you read? Let us know what you think.   

Copyright 2015 "Presidentiable.Ph". 

bottom of page