top of page

Kung walang karapat-dapat, 'wag akong gawing panakip-butas - Duterte

  • Oct 13, 2015
  • 1 min read

​Hangga’t hindi pa lumilipas ang deadline ng Comelec, asang-asa pa rin si Sen. Koko Pimentel, president ng PDP-Laban, na lalahok si Davao City Mayor Rody Duterte sa 2016 elections bilang pangulo ng bansa.

Pero tila mabibigo siya dahil may kargang paninisi ang huling pahayag ni Digong kung bakit hindi siya tatakbo. Kahit daw gusto niyang tulungan ang bansa ay mahihirapan lang siya dahil sa pangit na sistema.

Sa kanyang pag-iikot ay federalism ang kanyang ipina-uunawa sa lahat pero tila walang nakahanda sa ganitong pagbabago.

“Itong institution ng presidency, wala ka talagang magagawang tama diyan. One year na nandiyan ka, puro pagnanakaw ang ibabato sa’yo,”

Huwag daw natin siyang gawing panakip-butas kung walang tunay na pagbabagong nakikita sa ibang kandidato.

“If you can’t choose between Grace, Mar, and Binay, then don’t make me an excuse. Why me?” sabi ni Duterte.

 
 
 

Comments


Who's Behind The Blog
Recommanded Links
Search By Tags
Follow "Presidentiables.Ph"
  • Facebook Basic Black
  • Twitter Basic Black
  • Google+ Basic Black

Copyright 2015 Presidentiables.Ph

    Like what you read? Let us know what you think.   

Copyright 2015 "Presidentiable.Ph". 

bottom of page