top of page

Mga Roxas, mapangwasak - Perfecto Yasay Jr.

  • Oct 13, 2015
  • 2 min read

Isinulat ni Perfecto Yasay Jr. ang kanyang obserbasyon sa angkan ni Mar Roxas II na may pamagat na ‘History is again sadly repeating itself.’

Pitumpung taon na ang nakalilipas nang unang nasaksihan ng Pilipinas ang organisadong propaganda kung paano wasakin ang isang kalaban sa pulitika.

Si President Manuel A. Roxas na pinuno ng Liberal Party noon ay pinawalang-sala ni Gen. Douglas MacArthur sa bintang na nakipagsabwatan sa Japanese kontra sa Pilipinas. Tinutulan si MacArthur ng mga makabayang Pilipino at maging ng US intelligence community pero nabigo sila. Kaya naman nagawa ni Roxas na itatag ang LP at paliguan ng putik ang imahe ng dating vice president ng Commonwealth na si Sergio Osmeña, Sr.

Dahil kakampi siya ni MacArthur at malaki ang pondo mula sa mga negosyanteng magugulang, napaniwala ni Roxas na dapat siyang ipagmalaki bilang bayani dahil sa ‘pakikipaglaro’ sa Japanese alang-alang sa bansa.

Nilait at minaliit niya si Osmeña bilang lahing Intsik at tinawag na uugod-ugod na gurang na hindi naman tunay na Pilipino. Dagdag-paninira pa ang pagbansag kay Osmeña na tagasuporta raw ng komunista na gumagawa ng terorismo.

Tila nauulit ang kasaysayan ayon kay Yasay. Ngayon ay si Mar Roxas na apo ni Roxas ang pinaniniwalaang nasa likod ng pagwasak sa kalaban niyang si Vice President Jojo Binay sa walang puknat na bintang ng corruption.

Pero noon daw namang 2010 na kumpiyansa si Mar na tatalunin niya si Binay sa vice presidential race ay hindi niya ibinulgar ang anumang corruption ni Binay.

Ang masaklap ayon kay Yasay, bakit hindi nanindigan si Mar laban sa corruption noong panahong nanunungkulan siya kay Pangulong Estrada at PGMA?

Hinihinala rin mismo ni Sen. Grace Poe na kampo ni Mar ang nagpasimula ng isyung hindi tunay na Pilipino ang senadora na kalaban rin ni Mar sa presidential race.

Ano ang masasabi ninyo sa obserbasyon Perfecto Yasay Jr.?

 
 
 

Comments


Who's Behind The Blog
Recommanded Links
Search By Tags
Follow "Presidentiables.Ph"
  • Facebook Basic Black
  • Twitter Basic Black
  • Google+ Basic Black

Copyright 2015 Presidentiables.Ph

    Like what you read? Let us know what you think.   

Copyright 2015 "Presidentiable.Ph". 

bottom of page