Tambalang Sa-Mar, pinagtiyap ang landas
- Oct 15, 2015
- 1 min read

Inamin ni Sen. Miriam Santiago na si Sen. Bongbong Marcos nga ang kanyang magiging running mate sa 2016 elections.
Naunang nag-file ang senador ng COC at baka raw pag-file ng senadora ay pumunta pa rin si Bongbong sa Comelec bilang suporta.
Sikat si Sen. Miriam sa kabataan dahil sa paninidigang tutol na tutol siya sa corruption at bahagi ng pagpapakulong sa tatlong senador na sangkot sa PDAF.
Kilala naman ang ama ni Sen. Bongbong na diktador at puno ng bintang na corruption, mga paglabag sa karapatang-panato at may ill-gotten wealth sa kanyang panahon.
"I think we mutually chose each other, our two camps. We happen to cross each other, the telephone lines happen to cross each other. It's coincidental. One camp was calling the other camp," ayon kay Santiago sa pagtitiyap nila ng landas.

Comments