Mar, itinanggi ang isyu ng cancer ni Duterte
- Oct 18, 2015
- 1 min read

Itinanggi ni LP candidate Mar Roxas na may kinalaman siya sa inis ni Davao City Mayor Rody Duterte ukol sa pagpapakalat na may throat cancer si Digong.
Nabuwisit si Duterte at nagsalita sa mga interview na dahil sa labis na takot ng kampo ni Roxas, siniraan na agad siya kahit hindi naman talaga siya tatakbo bilang pangulo.
Kaya sinabi ni Digong na hindi karapat-dapat maging pangulo si Mar.
Pero sabi ni Mar, hindi naman sila gumagamti ng smear campaign.

Comments