Pres. Aquino, dinuduro ni Gringo
- Oct 18, 2015
- 1 min read

Palaisipan para kay PNoy ang iniwang tanong ni Sen. Gringo Honasan tungkol sa isyu ng wastong pagpapasya sa tamang paraan.
Ang isyung ibinato ng senador, na tumatakbo bilang vice president ni Jojo Binay, ay ang pagpapalibing sa bangkay ni dating pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa Libingan Ng Mga Bayani.
“If we cannot resolve something as procedural as that – burying a former President – how can we deal with the contentious West Philippine Sea, the territorial dispute with China, and the peace in Mindanao?” hugot ni Honasan.
Si Gringo ang isa sa lumusob sa tropa ni Marcos noong 1986 EDSA People Power Revolution kaya napatalsik ang diktador na hinihiritan niya ngayon ng disenteng libing. Magpaduro kaya si PNoy kay Greg?

Comments