Kasosyo ni Binay, humingi ng tratong pantay
- Oct 19, 2015
- 1 min read

Hiniling sa Court of Appeals (CA) ng negosyanteng si Gerardo “Gerry” Limlingan na tanggalin ang freeze order sa 170 bank accounts niya, bunga ng bintang na siya ang kasabwat ni Vice Pres. Jojo Binay sa mga paratang na sabwatan nila sa corruption.
Sa kanyang motion, sinabi ni Limlingan na masyado namang sumandal ang AMLC sa “sweeping and unsubstantiated accusation of Ernesto Mercado that he is the supposed ‘bagman,’ ‘henchman,’ or ‘aide’ of Vice President Binay.”
Humihingi siya ng tratong pantay kasi hindi raw sinilip ang katotohanang puno ng malisya at maitim na motibo ang mga bintang ni Mercado.

Comments