Diktaduryang Marcos, baon na sa limot - Bongbong
- Oct 20, 2015
- 1 min read

Pinaplano na raw nina Sen. Miriam Santiago at Sen. Bongbong Marcos kung paano nila patatakbuhin ang kampanya bilang magka-tandem sa 2016 elections.
Hindi iniisip ni Bongbong ang isyu ng negatibong nakaraan ng amang si Pres. Ferdinand Marcos dahil ang mas naaalala raw ng tao ay ang araw-araw na problema sa kahirapan ngayon.
Kaya para sa kanya nabaon na sa limot ang diktadurya at kung bubuhayin man ito, mas dagdag-suwerte raw ang apelyido niyang Marcos.

Comments