Ikinasang debate, sino ang mangangamote?
- Oct 20, 2015
- 1 min read

Ikinasa ng COMELEC sa Feb. 21, 2016 ang debate ng mga kakandidato sa pagkapangulo.
Unang pagdarausan nito ay sa Mindanao at ang mga paksang hihimayin ay isyu sa Peace and Order, Poverty Reduction, Agriculture at Charter Change.
Isusunod ang debate sa Visayas na sisentro sa disaster preparedness, climate change adaptation, fighting corruption, healthcare at education.
Samantalang sa Luzon naman ay pagdedebatehan ang usapin ng traffic and public transportation, electoral and political reforms, foreign policy, national defense at taxation.
Isa lang ang debate sa vice presidential candidates na gaganapin sa Metro Manila sa April 10, 2016.
Sino ang lulutang sa kaalaman at sino ang mangangamote sa presidentiables?

Comments