Presidentiables, hinamon ng debate ni Gordon
- Oct 20, 2015
- 1 min read

Hebigat ang akusasyon ni dating senador Dick Gordon na may mga lumapit sa kanya na taga-LP at UNA para siya ang magsampa ng disqualification case laban kay Sen. Grace Poe sa isyu ng citizenship at residency ng senadora.
Pero tumanggi siya dahil mas makabubuti raw na taumbayan na ang humusga kung sino ang mga dapat ihalal at mamuno na walang bahid ng kasinungalingan sa kalooban.
Hinahamon din niya ang lahat lumahok at huwag umiwas sa mga debate para malaman ng mamamayan kung ano ang alam ng mga presidential and vice presidential aspirants.

Comments