'Huwag niya akong iboto kung mamamatay pala ako’ - Sen. Miriam
- Oct 27, 2015
- 1 min read

High blood na naman si Sen. Miriam Santiago at may tinutukoy na taong katunggali niya.
“May nagbanta na hindi ko na raw matatapos ang anim na taon, mamatay na ‘yan. Ganyan pala ang kampanya niya. Huwag na niya akong iboto dahil maaari akong mamatay ngayon pa lang. Eh ngayon lang, pwede nga akong mamatay. Lumabas lang ako, may dumaan na bus, mamamatay rin ako (kapag nasagasaan). Ano ang problema ng tao na ito?” ngitngit na tanong pa ni Sen. Santiago.
Sino ba ang taong ito na bawas sa kanyang boto?

Comments