Ika-5 presidential candidate, papayagan ng COMELEC
- Oct 27, 2015
- 1 min read

Nagpahayag ang COMELEC na bukod sa itinuturing nilang apat na contenders bilang kandidato sa pagkapangulo sa 2016 elections, may ika-lima silang nakikitang dapat bigyan din ng pagkakataon.
Ang unang apat ay sina Jojo Binay, Grace Poe, Mar Roxas at Miriam Santiago. Ang ikalima kaya ay isa kina Roy Seneres at Buboy Syjuco?
Ayaw pang banggitin ni COMELEC Chairman Andres Bautista kung sino ito sa ngayon. Wawalisin muna nila ang mga sa palagay nila ay nuisance candidate.

Comments