Citizenship ni Sen. Grace, mabubulgar na sa set
- Oct 28, 2015
- 1 min read

Inamin ni Presidential aspirant Sen. Grace Poe na kinakabahan na siya habang papalapit na ang pagdating ng resulta ng DNA test sa kanya. Isa ito sa hinihingi ng Senate Electural Tribunal (SET) para matiyak kung siya ba ay tunay sa Pinoy sa isip, sa salita, sa gawa at sa dugo.
Sa States sinuri ang sample ng DNA ng senadora at sa Nov. 5 magpapasya ang SET, batay sa resulta, kung ano nga ba ang citizenship ng katandem ni Sen. Chiz.

Comments