Duterte, Cayetano, babasagin ang sentrong gobyerno
- Oct 30, 2015
- 1 min read

Naging guest si vice presidential aspirant Alan Peter Cayetano sa “Gikan sa Masa, Para sa Masa,” na ipinalabas nitong Linggo sa local ABS-CBN station sa Davao.
Napag-usapan nila ni Mayor Rody Duterte ang adbokasiya ng alkalde na Federalism form government at ang decentralization policy proposal ni Cayetano bilang mga posibleng hakbang para ibaling ang pagtutok ng gobyerno mula Metro Manila patungo sa mga kalapit rehiyon ng bansa.
May higing pa rin na baka magkaroon ng ‘change of heart’ si Digong at pumayag na maging substitute candidate ni Martin Dino bago ang Dec. 10.

Comments