Mga Senador na kawatan, dapat pigilan - Miriam
- Oct 30, 2015
- 1 min read

“Alam mo napansin ko sa Senado hindi naman pala mahirap na ipunin ang pera ng gobyerno. Ang problema lang sa bansa nating ito ay ang unang nagsasalita ‘yun din ang magnanakaw,” sabi ni Sen. Miriam Santiago sa kanyang pagharap sa mga estudyante sa Bahay Ng Alumni sa UP.
“Pangalawa, pag nagsasalita sila kunwari laban sila sa graft and corruption, maling-mali pa ang English nila. At pangatlo, ninanakaw nila ang pera ng gobyerno para ’pag nakuha nila lahat ng pera, ibibili nila ulit ng boto ng taong bayan at sa ganoong paraan, wala nang katapusan ang pagnakaw ng ating pera. This must stop,” pagdidiin ni Miriam.

Comments