Walang parti-partido kay Poe
- Oct 30, 2015
- 1 min read

Hindi man tuwirang binanggit ni Sen. Grace Poe na mapaghiganti ang administrasyon ni Pangulong Noynoy Aquino, ipinagdiinan ng senadora na kung papalarin siyang maging pangulo ng bansa ay walang parti-partido kundi ang tunay na may kakayahan ay dapat niyang bigyan ng pagkakataon sa gobyerno.
Kahit daw hindi taong gobyerno ay hihikayatin niyang manilbihan.
“I don’t care if you didn’t vote for me, for as long as you can do the job, you’ll be in. If you are from the private sector, perhaps, I can convince you to take a six-year sabbatical of poverty, knowing how much less you are going to be paid in the public sector,” she said.
Bentahe raw ni Poe ang walang bagahe di tulad ng kanyang mga kalaban na baon na sa utang na loob sa mga kapartido.

Comments