Poe, numero uno pa rin sa survey ng Magdalo
- Nov 2, 2015
- 1 min read

Sinabi ni Atty. Romulo Macalintal na sa kabila ng mga disqualification cases na isinampa laban kay Sen. Grace Poe, hindi naman apektado ang ratings nito sa survey.
Sa huling resulta kasi ng Magdalo survey nitong Oct. 20 hanggang 22 ay number one pa rin siya sa 43 percent, ikalawa si VP Jojo Binay na may 27 percent, ikatlo si Mar Roxas na may 17 percent at huli si Sen. Miriam Santiago na may 11 percent.
Ang Magdalo ay supporter ni Sen. Poe.

Comments