Sen. Grace, nag-graceful exit sa pagka-president?
- Nov 5, 2015
- 1 min read

May kumalat sa social media na liham mula raw kay Sen. Grace Poe at humihingi ito ng paumanhin dahil ini-aatras na raw ang kandidatura bilang pangulo.
Nagbigay ng pahaging ang liham na ang ugat daw ng pag-urong ay ang katakot-takot na kasong isinampa sa senadora sa isyu ng citizenship at residency. Tipong graceful exit ang pahiwatig.
“There is no truth to this. The truth is that we will continue our work in delivering the message of what we can do to help our people,” paliwanag at pagtanggi ni Poe sa maling nilalaman ng liham.

Comments