Duterte, nabubuwisit at nagbabago na ang isip
- Nov 9, 2015
- 1 min read

Nabubuwisit na raw si Davao City Mayor Rody Duterte sa walang tigil na paghikayat sa kanya na lumahok bilang presidentiable. Naaawa siya sa takbo ng buhay ng mahihirap pero talagang wala raw siyang alam na paraan kung paano itutuwid ang mga mali sa ating lipunan.
“I really do not know. I really do not know how to solve the problem of the Philippines. I cannot be the savior of this republic,” sabi ni Digong.
Pero nagbanta siya na kapag patuloy na pinahihirapan ng administrasyon ang mga mahihirap, mapipilitan siyang tumakbo na nga.

Comments