Digong, niresbakan ng kampo ni Sen. Poe
- Nov 22, 2015
- 1 min read

Sa nakalap na ulat ng Presidentiables.Ph, rumesbak na ang kampo ni Sen. Grace Poe sa pahayag ni Davao City mayor Rody Duterte tungkol sa maling desisyon ng Senate Electoral Tribunal (SET) na pinayagan ang senadora na tumakbo kahit questionable ang citizenship nito.
Mahirap daw magkaroon ng presidenteng ‘kano, sabi ng alkalde na kilalang kontra sa panghihimasok ng Amerika sa Pilipinas.
Sabi naman ng tagapagsalita ng senadora na si Valenzuela Mayor Rex Gatchalian, dapat ipaglaban ni Duterte ang mga kawawang pulot (foundling).
May protekstyon daw si Poe sa international laws and covenants. Kaya kilalanin na lang daw ni Digong ang sa tingin ng kampo ni Poe ay pasya ng SET na hindi batay sa pulitikahan lang.

Comments