Duterte tatakbo na: 'Ayoko ng Pangulong 'Kano. Lalabanan ko si Poe.'
- Nov 22, 2015
- 1 min read

PRESIDENTIABLES.PH | Pinakamagandang timing ang nasilip ni Davao City Rodrigo Duterte para magbago ng isip sa pagtanggi sanang tumakbo bilang pangulo ng bansa. Bilang abogado ay iginagalang niya ang konstitusyon at dahil sa paniniwalang malalagay sa alanganin ang bansa kung magwawagi bilang pangulo si Sen. Grace Poe, lalabanan niya ito.
Ayon kay Sen. Alan Peter Cayetano, sila na talaga ni Digong ang magtatambal dahil naniniwala ito na mali ang pasya ng Senate Electoral Tribunal (SET) na payagan ang senadora na tumakbo sa puto na 5 kontra apat.
Wala ni isang taga-korte ang bomoto pabor kay Poe. Kung mananalo raw kasi si Poe ay magkakaroon ng pangulo na sa ‘sige na nga’. Ibig sabihin, walang katiyakan sa citizenship.
“The highest position is reserved for a true-blue Filipino. I cannot accept an American President,” sabi pa ni Digong.

Comments