Kami lang ni Mar ang maglalaban at may problema siya - Miriam
- Nov 23, 2015
- 1 min read

PRESIDENTIABLES.PH | Nagmuni-muni si Sen. Miriam Santiago sa mga posibleng pagbabago sa presidential race at nauuwi ang scenario niya sa dalawa lang na maglalaban. Siya lang at si Mar Roxas.
Malamang daw na ma-disquaify nga si Poe sa SC at malamang daw na ma-aresto si VP Jojo Binay sa kasong graft and corruption.
Samantala, hindi pa malinaw kung papayagan ng COMELEC si Mayor Rody Duterte na maging substitute ni Martin Dino. Kaya malaki raw ang problema ni Mar sa kanya.
“It will be his own personality that might become a problem but there is still time for him to solve that problem,” sabi ni Miriam patungkol kay Mar.

Comments