Binay, diretsahang sinagot ang maaanghang na tanong ni Taberna
- Nov 26, 2015
- 1 min read

PRESIDENTIABLES.PH | Sa kanyang guesting sa DZMM, game na sinagot ni VP Jojo Binay ang mga tanong nina Anthony Taberna, Gerry Baja, Vic de Leon Lima at Karen Davila.
Hirit ni Anthony Taberna kay Binay, “Sabi n’yo po pinulitika kayo ng Ombudsman. Paano?”
“Oo, ang ginawa sa anak ko (Makati mayor Junjun Binay) ay kasama sa demolition by perception.”
Diniretsa ni Tonying si Binay, “Dinidiktahan ba ni Pangulong Noynoy si Ombudsman?”
“Wala akong ebidensya na nagpapagamit siya sa pangulo,” sabi ni Binay ukol kay Ombudsman Conchita Morales na appointed ni PNoy.

Comments