Karen Davila, muling inungkat ang 'Hacienda Binay' sa Batangas
- Nov 26, 2015
- 1 min read

PRESIDENTIABLES.PH | Hindi pinalampas ni VP Jojo Binay ang pagkakataon na ibinigay sa kanya ng DZMM para linawin ang ilang isyu na nagiging tampulan ng tukso kahit hindi naman daw totoo. Ginamit ni Karen Davila ang salitang ‘hacienda’ sa pagtukoy sa koral ng babuyan ni VP Binay at agad siyang kinorek ni Binay.
“Ang masama nga roon sinabi agad na hacienda, ako’y may babuyan doon walang hacienda. Pagka negative ang parating, ang totoo ay lumilihis. Ang bintang, ang babuyan namin air conditioned. Noong puntahan wala namang nakitang aircon,” sabi ni Binay.
Bumawi si Karen sa pagpaliwanag na napatunayang ang nakasulat sa isang parte ng babuyan na “E.B.” ay hindi pala naman Elinita Binay kundi Electrical Box.

Comments