Rating ni Digong, sumirit sa Pulse Asia Research
- Nov 26, 2015
- 1 min read

PRESIDENTIABLES.PH | Deklarasyon lang daw ang kailangan para malaman ni Davao City Mayor Rody Duterte kung sinu-sino ang gusto sa kanya para maging Pangulo.
Sa huling suryver ng Pulse Asia Research Inc. nitong nakaraang dalawang linggo, pumalo ang rating ni Digong sa 34 percent, kasama rito ang malaking bilang mula sa D bracket ng lipunan, halos buong Metro Manila at maging ang mga kabilang sa rich, middle class ay pabor kay Duterte.
Ikalawa sa kanya si Sen. Grace Poe sa 26 percent, kasunod si VP Jojo Binay sa 22 percent at ikaapat si Mar Roxas na ay 11 percent, kulelat si Sen. Miriam sa 7 percent.
Muling sinabi ni Duterte na ginusto siyang tumakbo dahil sa prinsipyo na ang batas ay hindi dapat minamanipula. Lalo na kung mahihirap ang tatamaan nito.
Basa-basa rin pag may time: http://newsinfo.inquirer.net/742540/duterte-leads-in-metro-poll

Comments