Susan Roces, bawal pumalit kay Sen. Grace
- Nov 30, 2015
- 1 min read

PRESIDENTIABLES.PH | Ipinakakalat ngayon ng mga supporters ni Sen. Grace Poe na kung tuluyan siyang ma-disqualify sa pagtakbo bilang pangulo ng bansa ay gusto nilang si Susan Roces na ina nito ang pumalit. Pero sinabi ng mismong katambal ni Poe na si Sen. Chiz Escudero na hindi ito pinapayagan sa batas. Walang independent candidate ang maaaring humirit ng kahalili kung siya ay ma-disqualify o umayaw.
Lumabo ang tsansa ni Sen. Poe na makatakbo dahil ang tatlong taga-Supreme Court na kasali sa Senate Electoral Tribunal (SET) ay bomoto kontra sa kanyang kandidatura. Ang tatlong ito ay hindi appointed ni PNoy kundi sa panahon pa ni Gloria nanungkulan. Ngayong iniakyat sa SC ang apila sa 5-4 botohan sa SET, inaasahang walang alagad ng batas sa SC ang susunod sa boto ng limang senador na pumanig kay Poe.

Comments