top of page

Boboy Syjuco kay Ginez ng LTFRB: kumalas ka na para iwas-pag-aklas

  • Dec 1, 2015
  • 1 min read

PRESIDENTIABLES.PH | Nagbabala si KBL Presidential Candidate Augusto “Tito Boboy” Syjuco na hindi mapipitil ang pambansang pag-aklas ng sektor ng transportasyon sa Dec. 3, araw ng Huwebes, kung hindi haharap at makikipag-usap ang gobyerno sa ACTO.

Isa sa pinakamalaking grupo ng transportasyon ang ACTO at nangangamba si Presidential candidate Buboy Syjuco sa plano ng grupo na iparalisa ang mga byahe at magsunog lamang ng mga gulong sa kalye para lumubha pa ang daloy ng trapiko sa Metro Manila.

Pinakiki-usapan nila na bumaba na lamang sa puwesto si LTFRB Chairman Winston Ginez o mag-leave muna para ipaubaya sa isang taga-LTFRB na higit na nakauunawa ng tamang dialogue sa problema ng transportasyon sa bansa.

Si Ginez ay matagal nang inaakusahan ng incompetence at negligence kaya kung magiging pangulo si Syjuco ay paaalisin na rin niya sa pwesto si Ginez. Press Release by Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO) & KBL Prty-list

 
 
 

Comments


Who's Behind The Blog
Recommanded Links
Search By Tags
Follow "Presidentiables.Ph"
  • Facebook Basic Black
  • Twitter Basic Black
  • Google+ Basic Black

Copyright 2015 Presidentiables.Ph

    Like what you read? Let us know what you think.   

Copyright 2015 "Presidentiable.Ph". 

bottom of page