Alan Peter, kinontra si Leni sa pagkumpara sa Davao at Naga
- Dec 2, 2015
- 1 min read

PRESIDENTIABLES.PH | Kinontra ni Sen. Alan Peter Cayetano ang pahayag ni Rep. Leni Robredo na pareho lang namang umasenso ang Davao City at ang Naga City pero hindi dumaan sa ‘kamay na bakal’ ang pamamahala sa lunsod na ito ng Bicol.
Ayon kay Alan, kung ikukumpara ang kriminalidad sa Metro Manila at Naga, malayong-malayo ito sa katahimikan sa Davao. Mas malaki pa ang lugar ni Duterte at pinamumugaran ng maraming uri ng rebelde. Kaya walang comparison ayon pa.
Si Alan Peter ay kandidato sa pagka-bise presidente tulad ni Rep. Leni.

Comments