Duterte, pinalagan ni Lacierda dahil sa Santo Papa
- Dec 2, 2015
- 1 min read

PRESIDENTIABLES.PH | Pumalag si presidential spokesperson Edwin Lacierda kay mayor Rody Duterte nang mapamura ang alkalde tungkol sa naalala niyang pagdayo ni Pope Francis sa bansa na nakalikha ng higanteng traffic congestion. Laitin na raw ni Duterte ang lahat na pulitiko, ‘wag lamang ang pinakamamahal na Santo Papa ni Lacierda.
Ang paliwanag naman ng kampo ni Digong, hindi siya buwisit sa Papa kundi galit sa palpak na magmando ng gobyerno sa araw-araw na traffic sa Metro Manila.
Sa sa kanyang Twitter account Lacierda said: “Mayor Duterte, you can say all you want about politicians but you don’t curse my Pope Francis! #defendthepope”

Comments