Brillantes kay Roxas: Wala siyang panalo sa pagkapangulo
- Dec 7, 2015
- 1 min read

PRESIDENTIABLES.PH | Nilinaw ni dating Comelec Chairman Sixto Brillantes na kahit may hangarin daw ang LP na wasakin isa-isa ang kalaban ni Mar Roxas sa presidential elections sa 2016, wala pa ring magagawa ang asawa ni Korina Sanchez.
Kung ituloy raw ang disqualification case ni Sen. Grace Poe at isama na rin si Mayor Rody Duterte dahil kinukuwestyon ang pagpalit nito kay Martin Dino, o kahit ikulong man sa Enero o Pebrero si VP Jojo Binay, hindi naman daw ito disquaified na tumakbo sa loob man ng kulungan. Matatalo pa rin daw ni Binay si Roxas. Pati raw si Sen. Miriam na mahina sa survey ay kayang itaob si Mar.

Comments