Duterte, handang makipag-giyera sa mga rebelde
- Dec 7, 2015
- 1 min read

PRESIDENTIABLES.PH | Dahil sa pangakong magmumulta siya ng isanlibo kada pagmumura ay nakapaglagak na si Mayor Rody Duterte ng dalawan-libong piso sa Caritas dahil hindi niya napigil ang sarili na muling magmura ng dalawang beses.
Ang isyu kasi ay kung bakit inaalisan ng armas ang mga alagad ng batas tuwing eleksyon. May garantiya raw ba na walang holdaper, walang makikipaggiyerang rebelde at walang kriminal o private armies na gagamit ng baril tuwing elekyon?
Nangako rin siya na gigiyerahin ang mga rebelde kung hindi makikipagkasundo kapag siya ay naupo.

Comments