May ebidensya para ang disqualification ni Poe ay mabago - Escudero
- Dec 10, 2015
- 1 min read

PRESIDENTIABLES.PH | Inaasahan na ni Sen. Chiz Escudero na babaliktarin ng COMELEC En Banc ang unang pasya ng COMELEC 2nd Division na i-disqualify si Sen. Grace Poe.
May mahusay na ebidensya raw na isinumite ngayon ang senadora at dapat daw itong pag-aralan para lubusang payagan si Sen. Por na makatakbo.
"Lahat naman ng kailangang malaman ukol sa residency at citizenship ni Sen. Grace ay nakapaloob na sa MR (motion for reconsideration)," pagdidiin pa ni Escudero.

Comments