Poe, talo uli sa round two
- Dec 11, 2015
- 1 min read

PRESIDENTIABLES.PH | Muling ibinasura ng Comelec 1st division ang kandidatura ni Sen. Grace Poe upang katigan ang inihain na petisyon nina Sen. Francisco "Kit" Tatad, De La Salle University Prof. Antonio Contreras at dating University of the East Law Dean Amado Valdez na i-disqualify si Poe sa presidential race.Hindi naniniwala ang Comelec na ang isang senador at edukadang tao ay magkakamali sa simpleng tanong kung kailan siya nagsimulang manirahan sa Pilipinas.
Isinulat ni Sen. Poe noong 2013 elections na siya ay nagsimulang tumira sa Pilipinas noong April 2006 ngunit hindi niya ito binago hanggang umabot ngayon. Kaya kulang talaga siya sa sampung taong pamamalagi sa bansa.
Ia-apela ng senadora ang kaso sa Supreme Court.

Comments